June 1996, Napagpasyahan ng nanay ko na dapat na daw akong mag-commute..... ANO DAW???
Siguro karamihan na ng mga kasing-edad ko noon ay matatawa sa akin noong mga panahong iyon dahil sobra ko talagang iniyakan ung nanay ko para lang makapag-school bus akong muli.. Pero matigas sya, mag-aral-aral na daw akong pumara....
Eh di sige heto naman ako, nasa bagong eskwelahan, suot ang bagong uniporme na sobrang liit (hay naku... mahaba-habang kwento ito... heheh) at nasa teritoryo ng mga dilimanian... Kaya ganun na lang ang takot ko sa mga bagong bagay... Puro bago... Kakayanin ko kaya ang bagong hamon ng pagko-commute?? Kakayanin ko ba ang simpleng pagwagayway ng kamay pra makatawag pansin s sasakyang nais kong sakyan? Kakayanin kong bang humabol ng sasakyan kapag rush hour? Kakayanin ko bng magbilang ng pamasahe pra maihatid ako sa nais kong puntahan? Kakayanin ko ba ang simpleng pagsabi ng "PARA" pra makababa sa lulan kong sasakyan? Simpleng tanong, pero malaking bagay iyon sa labing dalawang gulang na ako..
Ewan, pero sa unang araw, nakapaglakad ako ng halos isang kilometro. Teka d nmn siguro, ksi mga mula diliman prep un eh hanggang sandiganbayan... At dahil lang un sa hindi ko alam kung papaano pumara ng jeep!! Naghihintay ako ng jeep na hihinto mismo sa harapan ko... Ang katangahan ko nga nmn... Bago pa nmn ung sapatos ko noon, kaya pag-uwi ko ng bahay sobrang sakit na ng paa ko.. Napa-iyak pa nga ako noon ksi pakiramdam ko di ko kakayaning mag-commute...
Sa kinatagal-tagal natuto din naman ako... Paunti-unti.. D talaga ako madaling matuto.. Pero sa tinagal-tagal na ng pagsakay ko ng mga pampasaherong behikulo ng kalakhang maynila eh marami-rami na rin akong nalaman.
1.) May isa akong kaklase noon na parating nagbabayad kapag malapit na sya sa babaan nya... Palagi ko syang na-oobserbahan ksi halos pareho kami ng sinasakyan... Ang pamasahe lang noon ay 2.50 ata tapos ang bnbayad lng nya parati eh 2.00 lng.. Laking taka ko eh halos magkalapit na lang pala ang bababaan namin... Hanggang sa napagtanto ko na lng na d nmn lahat ng driver eh naaalala ang mga pasahero nila (Noon ito ha? Kasi ngaun bihira na akong nakakasakay ng mga driver na d nagtatanong ng mga pamasaheng binabayad ng mga pasaherong...) . Kasi isang beses nahuli sya nang magtanong ung isang driver eh (Nagtaka siguro kung bakit kulang ung pamasahe nya eh dalawa lng kming pasahero nya nung mga panahong un). Nagulat ako na pwede nmn pla un... Eh ako makapal ang mukha, sinubukan kong di magbayad, tapos nakaligtas... Naisip kong ituloy-tuloy ito ksi malapit-lapit na rin ung field trip namin noon. Eh gusto kong maraming makain sa araw ng field trip namin kaya d ako nagbayad sa pagsakay ko sa jeep. Tapos maglalakad ako pauwi para buo ung baon ko, walang bawas. Maganda na sana itong plano ko eh kso kahit papaano na-guilty naman ako ksi minsan nahuli ako pero tiningnan ko lng sya tpos naglakad papalayo... Tska nagkaroon din ako ng mga kaibigan na driver, kaya nagbayad na.
2.) Bus vs. Jeep : Sa Commonwealth Ave. karaniwan na ang dalawang to na naghahari sa kalsada.. Parehong nambabarumbado sa kalye.. Kung gusto mo ng feeling ng pagsakay sa rollercoaster try nyo ang bus ng galing fairview, bulacan, sapang palay basta ung dadaan ng commonwealth... Lalung-lalo na ung mga bus na ang tatak eh JELL, GASAT, NOVA at ung favorite ng mga pulis na ticketan sa kalye ung NS (Isang book daw ng ticket ang naaksaya ng pulis dahil sa paglalabag sa batas kalye nitong NS). Paboritong habulin ito ng mga pasahero tuwing rush hour kasi parating nagmamadali, kaya d m rin masisi ang mga ito sa pagiging mbilis... Sa mga jeep nmn ang napansin ko lng karaniwan ng mga mabibilis magpatakbo eh ung mga byaheng Quiapo.. Karaniwan ksing kolurum ang mga ito (Sa totoo lng sa tingin ko wala talagang biyaheng Fairview-Quiapo, kung meron man iilan lang ang may prankisa nito dahil sa kamahalan). Karaniwan, ung mga byaheng Cubao, Ever, Anonas, Panay etc.. eh masyadong masipag maghakot ng pasahero.. Sa tingin ko siguro dahil maikli lang ang biyahe nila kya kailangang makarami ng pasahero.. Ewan.. Sa tingin ko lng nmn iyon... Pero kung gusto mo talaga ng mabilis at walang kaproble-problema mag-fx k na lang.. Pagnapuno takbo na malamig pa... Kaso kapag ang nasakyan mo eh ung lumang Toyota Tamaraw FX at d nakatakip ang bintana eh kakapusin ka sa aircon at kapag umaraw patay ka sa init na dadanasin mo sa loob...
3.) Kapag rush hour karaniwan ung mga tao eh sumasakay na lang sa kung anong unang dumating na sasakyan tapos magka-cutting trip pa sila. Minsan naglalakad pa sila sa nearest na sakayan kung saan marami ding nag-nanais umuwi. Well, iba ang technique ko, para mas malapit na ako ng ilang dipa sa bahay namin, naglalakad ako papalapit sa bahay namin, o kaya sa susunod na sakayan kung san wlang gaanong tao, isipin m kung kunwari galing kang UST tapos syempre karamihan maglalakad papuntang Morayta d b? Eh d ang dami nyo na dun? Eh kung sa Trabaho/Vicente Cruz St. ka nagpunta? Mas konti ang tao d b??? (Tama ba??)
4.) Sa mga pauwi ng probinsya, especially s probinsya namin, sa san juan, southern leyte, parang awa nyo na! Wag na kayong magdala ng maraming bagahe... Naranasan ko na din kasing magcommute mula cubao hanggang sa probinsya namin. Sa kamalas-malasan eh peak season (peak season meaning maraming tao ang nagtutungo sa lugar na un sa mga panahong iyon), karaniwan pla ang peak season dun eh tuwing May, November, December at minsan January dahil sa Feast of Sto. Nino. Tuwing peak season, mejo mahirap sumakay at ung mga tao eh nagdadala ng bulko-bulkong mga padala pra sa kanilang mga minamahal sa probinsya. Biro mo ang isang tao ay nagdadala ng halos 5 box, rough estimate ko lng un. Ang mga dalahin? karaniwan TV(ung lampas 21 inches), washing machine, plato, caha de oro, component minsan p may buhay na manok, buhay na aso, gamit na bike, grabe parang nanalo ng appliance and home package showcase ang mga tao dun kapag umuuwi kaya jampack ang mga bus.. kaya ung mga bus, dahil sa sobrang dami ng gamit, inilalagay na lng sa gitna(ung daraanan ng pasahero) ung mga bagahe, d n ksi kasya sa lalagyanan ng bagahe. Haaay... wala ka namang magagawa ksi gusto m ring umuwi sa panahong un kaya tiis n lng..
5.) Karaniwan pla sa kalye kapag may aksidente eh nagkakaroon ng matinding trapik. Oo nagiging sagabal nga ung na-istranded na sasakyan sa kalye pero dagdag din dito ang di makapigil na mga usisero.. Grabe kahit nasa gitna, igigilid nila ang sasakyan nila para lamang makita kung anong nangyari, tapos magiging topic un s chismis sa loob ng sasakyan. Kasama na din dito ung mga shooting ng artista sa kalye, pagsusuntukan ng mga basag-ulo sa daan, panghuhuli ng mga MMDA officers (ung mga kolorum inaalpasan ito), at kung anu-ano pang nakakatawag pansin sa mga nilalang na nabuburo kaka-upo at naghihntay makarating sa kanilang paroroonan.
Marami pa talaga ito sa totoo lng kso baka sobrang boring nang basahin... Masaya magcommute sa totoo lng kahit maraming nakaambang panganib. Pero ung pakiramdam at kaalaman na hinuhubog sa u ng pagcocommute eh sobrang walang kapantay... As in!! Heheheh