Simula pa nang pinagbuntis ako ng nanay ko eh s duwag n ako...Muntikan na akong malaglag noon ksi d ata ako kumakapit. Noong ipinanganak ako halos 5 lbs lng ako kumpara s mga kapatid ko n tig-7 lbs mahigit.
Panganay ako sa tatlong anak ng nanay at tatay ko. Naalala ko sabi ng mga ka-opisina ng tatay ko na karaniwan malalakas ang loob ng mga panganay. Bigla kong naisip ang kabataan ko at ang mga sinabi nila.........
Caloocan, 198-something; Di ko maalala
Noong nasa caloocan pa kmi ala pa noong trabaho ang tatay ko kaya sya ang nagbabantay sa amin ng kapatid ko, yung sumunod sa akin, siguro mga 3 or 4 yrs old lang ako nito. Medyo nung mga panahong un eh kinukulit na ng nanay ko ung tatay ko na magpakulay ng buhok ksi pumuputi na. Eh ang tatay ayaw eh di sige lang lakad sya kung saan-saan na kulay puti ang buhok, biglang nagbago ang isip nya isang araw nang makita nya akong umiiyak. Gulat sya ngayon kung bakit ako umiiyak kasi nag-iisa lang naman ako.
"Bakit ka umiiyak???" tanong ng tatay ko.
"La na akong papa!!!!!" tapos sinundan ng isang malakas na "waaaaaaaah!!!!!"
"Dito naman ako, meron ka pa ring papa."
"Di ka na papa, LOLO ka na!!!!!Waaaaaaah!!!!!"
Kinabukasan, nagpakulay na sya ng buhok.
Kung di rin nmn talaga ako engot na bata eh no????
Tambo, ParaƱaque; 1986
Noon namang nasa Tambo, ParaƱaque naman kami nakatira, na medyo may kalapitan sa airport, habang nakikipaglaro ako sa mga kalaro ko dun. Siguro mga ganun din ung edad ko lumipat lang kami, biglang may dumating na eroplano. Syempre malapit sa airport kaya kung mula ka sa baba may kalapitan ung eroplano at talagang makikita mo ang laki nya. Pa-landing na siguro ung eroplanong yun nang makita ko..... Heto na eh di nakita ko na nga sya tapos napatitig tapos nanlaki ang mata at sumigaw ng "MAMA!!!!!!!!!!!" tapos dali-daling takbo papasok ng bahay namin. Mga isang buwan daw siguro akong ganun bago nasanay sa eroplano. Mga isang buwan din akong pinagtatawanan ng mga kapitbahay at kalaro ko........ sheeeessshh......
Bacoor, Cavite; 1988
Unang araw ko sa eskwelahan, as in sa buong buhay ko.
Ang Lokasyon: Former St. Benedict Academy, Bahayang Pag-asa, Imus, Cavite...
Gaya ng ibang bata sa kanilang first day ay sinamahan din ako ng aking nanay papasok ng eskwelahan. Di naman ako gaya ng ibang bata, ako ay pumasok nang late s eskwelahan mga hulyo na ako nakapasok kasi namatay ang aking lolo noon. Eh di pasok n kami, ksma nga pla ung kapatid kong sumunod sa akin.
Ang lesson: Ang pagkanta ng "I'm a little teapot".
Habang tinuturo ng guro ang kanta sa mga kaklase ko ay hindi ako natitinag sa aking kinatatayuan katabi ng nanay ko, oo nga pala hindi ako pumayag noon na mawalay sa tabi ko ang nanay ko na syang pinakamatanda sa buong klase ewan ko lng ung guro. In short, hindi ako sumusunod sa kanta at sa action nya, meron ksi syang action habang kinakanta, tiningnan ko ang nanay ko. Sa mga tingin ko sa nanay ko, parang nagpapahiwatig ako ng katananungan "dapat ko ba syang sundan????" . Ang ina, alam ang kaduwagan at kahinaang loob ng anak, ay gumaya sa gurong umiindak habang nakatingin sa akin. At ang ending kaming tatlo nakahilera sa likuran sumasayaw ng "im a little teapot"........