Sa 27 years ko (mag28 this Oct) nalaman ko na:
1. Ako ay isang dakilang procrastinator. Ayaw ko ng ugaling yan. Ewan nasa lahi na ata hindi maalis alis. Lahat nadadamay sa ugali kong yan. Hindi ako magaling magplano dahil dyan. Kainis lang. Ngayon, dapat nagiimpake na ako, pero ayaw kong gawin kasi.. kasi... wala ayaw ko lang.. wala naman akong ginagawa dito sa harap ng computer buti kung tinatapos ko na yung Budget na pinapagawa ni boss. Nakakainis ako.
2. Ako ay reactive. Ano pa ba ang maasahan mo sa babaeng may malupit na reflexes. Hindi ko mawari noon kung bakit napakareactive ko, pero nasa sistema ko na pala yun. Mahirap gawan ng paraan, kasi parte na siya ng sistema ko. Kababae kong tao magaling akong sumalo, tumakbo ng mabilis, mabilis umilag - eh malamang reactive din ako pagdating sa sitwasyon. Naalala ko kasi na may training kami, ayun lumabas dun na magandang maging passive, i-assess muna ang sitwasyon bago mag-react. I am still trying naman, yung bestfriend ko kasi magaling dyan, yun yung nagustuhan ko sa kanya. Kaya minsan consult muna ako sa kanya before ang lahat.
3. Ako ay isang babaeng di mapakali ang utak sa pagpapalit palit ng isip. Hay nako, kahit bali-baliktarin ang mundo, kahit bongga ang reflexes ko, babae pa rin ako. Marami akong naiisip na options at ayaw kong magkamali sa pagdedesisyon.
4. Lahat ng kabirthday ko halos kapareho ko ng ugali, kung di man ugali, pareho kami ng mga gusto sa buhay. Ewan ko sa inyo, pero pansin ko lahat ng kabirthday ko, artistic at medyo smart, (hahaha.. okay ako na!). Hanapin nyo yung sa inyo para malaman. :)
5. Mahilig ako sa pop, pero mas gusto ko pa rin yung mga kantang tagos sa puso. Mala-Sara Bareilles, Colbie Callat, Marie' Digby. Ewan mas gusto ko girly songs, kesa sa mga alternative eklat. Mas relateable siguro.
6. Ang dami kong plano sa buhay, iilan lang ang natupad. Siguro pag nakakape ako mayroon akong 1000 na ideas, pero wala dun ay job-related. Lagi kong pinagdadasal na sana maging mas enthusiastic ako sa trabaho ko. Pero wala. Nanenegative na ako.
7. Ayaw ko na sa trabaho ko, pero wala akong choice. Gusto kong gustuhin siya. Sa totoo lang, nahihiya kasi ako sa boss ko. Alam ko malaki ang paniniwala niya sa akin, pero, wala akong paniniwala sa sarili ko. Hindi ko nga alam kung paanong nangyaring nakakatagal ako. Current dilemma talaga sya.
8. Ewan kung bakit, pero marami akong nakakaclose na bading. Simula high school este elementary pa pala! kaso magkaaway kami noon pero okay na rin. Nung high school pa lang tapos college. tapos ngayon din sa work. Okay naman sila. Nagtataka lang ako kung bakit. Baka bakla din ako? hahaha..
Naisip kong gawin ito, isa ito sa mga 1000 ideas ko. Isang araw ittype ko rin yang mga ideya na yan. Magdadala ako ng notebook at pupunan ko ng ideya. :)