In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures. For in the dew of little things the heart finds its morning and is refreshed.
- Parang gusto kong bumalik ng college, parang iba na kasi ngaun eh.. Sa totoo lang from time to time gusto ko silang makachika at makita para malaman kung anu-ano na ung mga nanyayari s buhay nila. Para ksing kada isang araw na di mo sila nakakasama parang hindi mo na sila nakikilala.. Ang hirap tahiin ng mga butas na idinudulot ng panahon.. Nagiging strangers kau sa isa’t isa dahil wala na kaung lam sa isa’t isa..
Love... It surrounds every being and extends slowly to embrace all that shall be.
- Love is blind.. ganun ata talaga eh noh? Kahit anong sama ng ugali ng tao, kahit anong kaliwa ng mukha at kung ano mang bisyo naisasantabi talaga basta love nyo sila. Parang kamag-anak natin. Ung kapatid ko for example, hindi sya ideal, meh bisyo, magkaiba kami ng interests, pero kung parati naming pag-aawayan lahat ng ayaw ko sa kanya walang mangyayari.. Dati kasi ganun ang ginagawa ko eh, mga isang taon pa kami nyan d naguusap. Ngaun pag nagkikita kami chika ever kami kung anu-ano lang, habang buhay ung mga taong mahal mo, mas maganda n tanggapin mo ung mali nila tapos pwede mo ring paalalahanan sila tungkol dun s mga ayaw mo pero dapat gamitin mo ung oras mo para bumuo ng memories-good memories – with them.. Ano to? Homily?
If you love somebody, let them go, for if they return, they were always yours. And if they don't, they never were.
- Parang kalapati yang mga yan eh.. Minsan gusto kong pumalakpak para lang tignan kung talagang ako ba ang amo nya o s iba talaga sya. Kasi minsan meh ugaling feeling ako eh.. Kaya pag ayan na nararamdaman ko nang meron na akong nararamdaman s kaniya ayun mega papansin ako ever pero pagkatapos nun hinahayaan ko na lang ung pagkakataon na pagtagpuin kami tapos mabubuo na ang lab story na hanggang kathang isip lang.. Siguro hindi ako ang amo ng kalapati..
If your heart is a volcano, how shall you expect flowers to bloom?
- Ung last interest ko, feeling ko marami syang kalungkutan sa buhay nya.. Hindi ko makitang masaya sya.. Lagi kong hinihiling NUON, take note, NUON, n sana ako ung magpasaya sa kanya kaso hindi naman ako ung tamang tao para magpasaya sa kanya.. Pero kung sino man un.. sana masaya silang dalawa.. (^__^)
When love beckons to you, follow him, Though his ways are hard and steep. And when his wings enfold you yield to him, Though the sword hidden among his pinions may wound you.
- Sabihin na nating single ako ngaun, kahit na pessimistic ako s pagkakaron ng relasyon eh naiisip ko din paminsan minsan ang kasal. Kung ikasal man ako, grabe sobrang martyr siguro ako.. Parang sunod sunuran ever ang drama ko.. Ewan ko lang ah.. Pero tingin ko ganito ang manyayari.. Bakit ko nga ba iniisip to? Wala akong malagay sa parting ito.. Pero parang old school na paniniwala to eh.. Ang babae ang tagasunod ng lalaki.. Siguro old school ako.. Ewan.. Kalimutan na lang natin na ginawa ko tong parte ng akdang ito.. Sheessh…
When you are joyous, look deep into your heart and you shall find it is only that which has given you sorrow that is giving you joy. When you are sorrowful look again in your heart, and you shall see that in truth you are weeping for that which has been your delight.
- Parati akong nalulungkot kasi kapag naaalala ko ung mga masasayang moments, naiisip ko na bakit hindi na lang parating ganun.. Kumbakit pa ksi kailangang maghirap bago sumaya eh noh? Tapos kapag malungkot ka, parang ang sarap kumuha ng masasayang alaala s past mo, kaso minsan nabubulok na lang sila at kailangan mo nang kumuha ng bagong masasayang moment para kahit papaano alam mo sa buhay mo na naging masaya ka recently.. Ginagawan mo ng paraan para maging masaya ka kahit papaano.. Naalala ko tuloy ung mga namatay, nakakalungkot ding isipin na kahit kailan, pag gising mo kinabukasan hindi na sila magiging parte ng aktibidades mo.. Wala na sila para ksama mong gumimik, kumain sa labas, pagkwentuhan mo ng araw mo at kung anu-ano pang mga bagay na pwede mong i-share s kanya.. Kalungkot..
You pray in your distress and in your need; would that you might also pray in the fullness of your joy and in your days of abundance.
- Hindi ako nagsimba ngaun, pero naisip ko lang, karaniwan nating ipinagdadasal ung mga kahlingan natin.. Wala lang.. Oo, wala akong pakialam pero, at the end of the day dapat marunong taung magcount ng blessings.. ksi ako pagnanagdasal, parang meh pattern, una, magthathank you ako sa araw, sa lahat ng blessings at sa lahat ng mga natutunan ko tapos saka ung kahilingan ko, na karaniwan tungkol lang s self growth.. Minsan kapag masaya ako o kaya andun ako mismo s moment, naguutter ako ng thanksgiving prayer, tapos sabay hinga ng malalim para d malimutan ung moment na un.. (^_^)
If you cannot work with love but only with distaste, it is better that you should leave your work.
- Sa totoo lang.. Ngaun-ngaun gusto ko nang barahin ung mga maldito/malditang customers ng MSN.. Tutal bilang na araw ko jan. Kala mo kung sinong magsalita.. Isang araw na nabwiset ako meh customer ba namang nagsabi – “YOUR PAYCHECK COMES FROM MY PAYCHECK” tapos mga isang oras na litanya muna bago ko sya naitransfer.. automatic transfer n ksi sya s susunod n dept, bad trip ksi kapag umaatungal ang customer nasstuck k s loob ng headset eh.. naabsorb m ung mga problema nilang parang pang end of the world na para s kanila.. ang problema ksi s mga tao kung sakit ng ulo ang ibinibigay ng product s inyo.. Diss it out!! Hindi ung nantthreaten pa kau na iddisconnect ang service kapag nde naresolve.. To hell do I care?? Duh?? As if your friggin MSN gives a damn about their agents.. Isa pa yan eh.. Gagawa-gawa ng kalokohan tapos hindi magbibigay ng notice s mga agents mapapansin mo n lang.. anjan na ung mga calls tungkol s problema n idinulot ng kalokohan nila.. Napakashort notice ng mga Emerging issue.. Tpos ung tools bigla na lang magttransform nang hindi mo nalalaman.. Panis san ka pa? Kaya minsan nambabatas na ako eh.. Gumagawa ng sarili kong path s webtree, ung tool na ginagamit namin, bahala basta maresolve.. Ah mga kasamahan sa trabaho.. wag nyo akong gayahin..
Your living is determined not so much by what life brings to you as by the attitude you bring to life; not so much by what happens to you as by the way your mind looks at what happens.
- Masasabi ko talagang duwag ako. Nag-away kami ng tatay ko kanina. Napagusapan ksi namin ung mga kaklase ko na nsa Singapore. Tapos, as expected, giniya ako n pumunta dun. Sabi ko, ano ako Sacrificial lamb, (sabay naiimagine ko ung pag-ooffer nuon ng mga taga Bible sabay pausok tapos sabay sabing… “I offer Abigail to thee, Singapore… “… ok parang tanga na ako) tapos sabay banggit s mga taga village namin na nanduon na.. Eh ung isa dun, sa tingin ko, madiskarte talaga syang tao.. Sabay banat ako ng “Eh hindi naman ako madiskarte eh..” tapos nagtalo na kami dun..
Papa - “Hindi ka naman papasa kung hindi ka madiskarte!”
Abi – “Eh heller? Sa school pa lang boploks na ako.. Hindi ako uubra dun”
Papa – “yan ang problema sa u, masyado kang pessimistic, walang mangyayari sa u”
Tapos sabay tinagteam na nila ako ni mama.. Hindi n lang ako nagsalita.. Lalo lang kaming mag-aaway tatlo..
Sa totoo lang, tama si papa, pessimistic ako, maliit pa lang naniniwala na akong malas ako at sobrang baba ng self esteem ko. Dati hindi ako makatingin sa salamin, hindi ko maatim ung nakikita ko sa salamin, hindi multo, kundi ung sarili kong reflection.. Parati naman akong nagdaday dream na magiging ok ang lahat pero pag anjan na, at nahihirapan na ako, minsan sinusuko ko na lang.. Pero pag tantya ko naman na kaya ko pa tuloy lang kahit pangit na ung kinalalabasan, matapos lang..
Ngaun ngang nagresign na ako, hindi pa tapos ang 30 days, pero hindi na maganda ang pakiramdam ko s pagaapply muli ng trabaho.. Naalala ko ung 7 months ng paghahanap ng work.. Tapos sa call center ako bumagsak.. Haay..
Kapag napanghihinaan ako ng loob, isang malaking butong hininga ang nilalabas ko tapos sabay sabing ..”AJA!” o kaya "Carry ko to" ... oo joke lang un.. pero parang ganun..
March on. Do not tarry. To go forward is to move toward perfection. March on, and fear not the thorns, or the sharp stones on life's path.
Masyado kong pinipili ang safe path kumpara s mahirap.. mejo parati akong nasa safe side.. Gusto ko ding tahakin ung mahirap para maiba naman.. heheheheheh.. joke.. Naisip kong boring pala kung laging nasa safe side. Magiging manhid ka na.. tapos wala nang supresa kasi you know what to expect, at hindi mo makikita ung mga tunay mong kaibigan kapag wala kang pinagdadaanang hirap eh..
Out of suffering have emerged the strongest souls; the most massive characters are seared with scars.
- Kailan ko kaya masasabi na strong na ako.. Puro na lang sugat pero walang gumagaling.. Hindi ako natututo.. Pag tumanda na ata ako ganito pa rin ako eh.. Hayy.. Nakaka-elibs nga ung mga taong talagang tinry lahat just to get more out of life.. Supposed to be, ganun dapat ang ginagawa natin dahil hindi naman tayo mabubuhay nga matagal eh.. Lahat ay panandalian.. Seize the day dapat eh.. I just don’t have enough guts to do it talaga.. But soon, makaipon lng ng lakas ng loob.. at kailan naman un?? hmmm...
No comments:
Post a Comment