Masyado nang late etong pasasalamat na ito, pero gagawin ko pa rin. It's better be late than never. Nainggit ako sa mga friends ko na nagpapasalamat kaya makikigaya ako. Wehehehe...
DECEMBER GIFTS
Dahil bihira akong makatanggap ng regalo, gusto kong i-recognize lahat ng nagbigay sa akin ng regalo nung december.
Ann
Dahil may pagka-mahilig akong magbasa ng libro, nakuha ni Ann ang panglasa ko sa pagreregalo nya sa akin ng mga librong ito. Salamat ng marami, magandang libro sila pareho.
Maja
Ang cute-cute na ng table ko dahil may kasama na yung orange na table design ko. Salamat maja, ulyanin din kasi ako kaya gusto ko ng may ganito para pwede kong lagyan ng mga reminders. Salamat. Pati sa mga pagkain na dinadala mo sa office. Always thoughtful. Salamat ng marami!
Hazel
Salamat sa libro, di ko pa sya tapos basahin, pero parang pareho naman "ata" kami nung bida, un nga lang di ko pa tapos kaya di ko pa ma-confirm. Medyo relate kami nito kasi pareho kami ni hazel na NBSB. Well, ganun tlga, sabi nila malungkot daw, pero di ko pa naman alam ang feeling kaya dedma lang. Heheheh.. Salamat salamat.
Mike
Nakakatuwa nung in-open ko tong regalo na to, talagang excited si mike sa reaksyon ko. At tama nga sya, na-excite din ako sa regalo! Heheheh... mahilig kasi ako sa photography, wala nga lang camera, pero nakuha nya at ni angge (salamat din!) kung ano yung mga gusto sa isa ng litrato. Mood, Drama at ambience ang gusto kong setting. Saktong-sakto. Salamat ng marami mike at angge!
Sir Erwin
Parang may cause ata tong calendaryo na to. Nakakatuwa na isipin na ang regalong ito ay part ng cause na yun. Nagpapasalamat ako dahil di ko na kailangang magprint ng calendar buwan buwan para ma-organize ko yung mga gagawin ko. Salamat salamat sa calendar! Luv it!
Rose
Mahilig akong mangolekta ng Keychains galing sa iba't-ibang lugar. Nakakatuwa na si rose eh naalala na bigyan kami ng keychain, dumoble lang yung sa akin kasi kumuha pa ako ng isa. Heheheh... Salamat ng marami rose. Salamat din sa pagsama mo sa Baguio, natuwa ako ng maraming marami! Natupad din natin ang college dreams natin of travelling. Sa susunod ulit!
WHO COMPLETED MY 2008?
Eto naman yung mga bagay na ipinagpapasalamat ko nitong 2008:
College Friends
Naisip ko lang ito habang papauwi ako mula sa opis. Iba ang kasiyahan na nararamdaman ko pag kasama ko kayo, ewan ko parang aatakehin ako sa puso sa tuwa. Salamat sa support at sa mga libre lalo na nung nagTagaytay tayo, pag ako naman ang nakaluwag ako naman ang manlilibre. (Kailan, kailan? hehehe) Salamat salamat!
TSPD Team!
Ang aking pangalawang pamilya away from home. Salamat for making my 2008. Iniinspire nyo ako na maging magaling kahit hindi naniniwala ang kabilang utak ko na possible yun. Thanks din for the companionship. Hindi na ako makakahiling pa ng ibang ka-ofcmates. Salamat ng marami! Next month na lang tayo magbadminton! heheheh...
Mga Kasambahay at kamag-anak
Salamat sa lahat ng pag-iintindi. Minsan may topak ako, kayo na lang ang umiintindi. Sinama ko si masud dahil sya ang aking shock absorber. Salamat din sa lahat ng tuwa kahit naghihirap na tayong lahat go pa din. Tawa pa rin tayo. Salamat salamat.
Papa and Mama
Isa sa mga pinakapapasalamatan ko last 2008 ay ang buhay nilang dalawa. Etong litrato na ito ay kinunan ko nuong nasa Molopolo kami, family outing. Masaya kaming lahat nito, eto yung mga panahon na ok pa ang kalagayan ni papa, kita mo nga't malaki pa ang tyan. Hehehe.. Last year, May 08, nataningan na sya, 6 months dahil stage 4 na ang cancer nya. Pero kung di dahil sa matinding support ng nanay ko at sa mga prayers ng mga taong nagdasal para sa kanya, at syempre sa Grace ni God, hindi na siguro namin sya kasama ngayon. Nakakatuwa. Salamat sa mga nagdasal, sumuporta at salamat na rin sa kanilang dalawa, you still held on to each other. Salamat din sa support. Hindi ako ganito kundi dahil sa inyong dalawa. Maraming salamat. I love you both!
Feeling nanalo ako sa isang award dahil naging maganda ang labas ng 2008 ko. Though, maraming mahirap, after naman ng hirap eh isang malamig na coke ang nag-aabang parati sa finish line. Masarap panghagod sa lalamunan, ganyan ang feeling ng 2008 ko. Marami pang ganyan na darating at sana handa ako.
Marami akong dapat pasalamatan pa, non-material at material, pero hindi ko na silang maalala lahat. Pasensya na, pero ipagdadasal kong parati kayong i-Bless ni Lord. (wala kasi akong pera kaya dasal na lang ang maiaalay ko). Nais ko ding magpasalamat din sa inyo, kundi dahil sa inyo, hindi mabubuo ang 2008 ko. Have a happy new year to us all.!
No comments:
Post a Comment