Wednesday, July 25, 2012

Kababawan, walang dulot, walang patutunguhan

Eto hindi ako makatulog muli. Pagod ako pero ang utak hindi mapakali. Kaya heto, blog tayo.

Naisip ko lang kung gaano na naman ako nagiging mababaw. Madali akong maapektuhan ng maliliit na bagay na hindi naman dapat. Ngayon, naisip ko na nung isang araw na i-hiwalay ko ang sarili ko sa mga walang kwentang bagay. Ang aking basehan ay oras, kaya nararapat lamang na gamitin ko ito ng husto hindi naman ako magtatagal hanggang katandaan, siguro.

Hmm. Dahil dito, kailangan kong ipaalala sa sarili ko kung ano ba dapat ang mahalaga, at SINO ba dapat ang mahalaga. Kung hindi rin lang importante at walang dulot sa mga personal commitments ko, huwag na lang.

Personal commitments, ano ba ang mga ito, i-review natin Abi

1. Commitment sa pangangalaga ng katawan:

A. Maging malakas ang pangangatawan, priority ang endurance at stamina. Matagumpay na ako sa hindi pagkakasakit, para na akong mutant, wala pa akong record ng sipon ngayong taon. Dinagdag ko na ren ang badminton para lumakas pa ang pangangatawan kong lalo. (mukhang nakatulong)

B. Makakuha ng 5th kyu belt sa aikido. Ewan na lang kung paano ko maaalala ang mga skills, pero ang dahilan kung bakit ako sumali ay ang skills. Dapat maging natural sa akin ang bawat naituturo, at, huwag mawalan ng pag-asa sa pagkamit ng black belt. Na napakalayo pa. Errrggg..

C. Makatakbo ng 21k sa RU3. Oo, kailangan nang subukin ang paa sa 21k. Kinaya ko naman ang 16k sa yakult, pero gusto kong bumilis pa. Anyway, finisher's shirt lang naman ang habol ko hehehe. So, para mahanda ang sarili ko, tatakbo ako ng 16k sa august, sa regent. Tignan natin kung kaya ko na sya derecho. (take note, hindi ko pa ren kaya ang 10k derecho, farthest distance is 8.8k - UP oval)

2. Bumalik sa pagiging artistic "kuno".

Haha. Oo, dati po akong nasali sa mga drawing contest simula elem hanggang high school. Dakilang tagagawa ng art projects ng pinsan at mga kapatid ko. Marami pa akong biniling mga materyales pang-art para lang kapag wala akong ginagawa, kailangang aralin ko muli sila isa-isa. At gusto ko ding pag-aralan ang paggamit ng Craypas.

Sinabi ko rin sa kaibigan ko na kailangan namin ng art appreciation. Naisip naming dalawa na pumunta ng museo at manood ng theater
plays. Nakalimutan ko na ang panonood ng teatro simula nung ako ay gumraduate. Pero gusto ko lalo na yung grupo na mula sa Ateneo na nagtatanghal ng Shakespeare pieces sa wikang tagalog. Astig lang.

Kailangan ko na ring maglevel up sa aking pagpopotograpiya. Gulay, nastuck ako sa aking kakaunting nalalaman. Kailangan ko ng bagong estilo, makapunta nga ng Paris (Mark Nicdao mode). Haha. Pero, buti napagusapan na namin ng kapartner ko sa prenup na si Eric na sa susunod na mga prenup, may concept meeting na, para hindi bara-bara ang litrato. Plus, mas may kwento ang mga litrato. Wow may level up akong ganyan. Hehe.

3. Tanggapin ang realidad na wala na akong mahahanap na trabaho bukod sa meron ako ngayon kaya dapat hindi ako nagaaksaya ng oras kakatitig sa screen. Oo naisip ko yan kanina, tintitigan ko lang yung screen, ni ayaw kong simulan ung isang proyekto na napakatagal nang tengga. Pero ganyan ako sa trabaho, mas mabilis ako kung admin ang gagawin (magliquidate, tumawag sa telepono, mag-email, magsked, etc). Kahit pagsabay sabayin pa yan kayang kaya ko, pero pag pinaggawa mo ako ng report, pihado titigan ko muna ng matagal yung datos. Hindi ko maintindihan, pero mabagal ako sa pagpproseso ng impormasyon. Hmm. Kailangang kada titig ko ng matagal, kailangang alalahanin na kailangan kong tapusin ang trabaho.

4. Enough Tulog.

In average, ang nakukuha ko lang na tulog ay 4-5, tapos isang oras sa byahe. Ewan lang. Pero kailangan ko atang habaan pa, pero ayaw na ng katawan kong matulog ng matagal, kahit pagod. Tingin ko kaya ako nagiging makakalimutin, tapos pansin ko na paulit-ulit ako ng kwento sa parehong tao. Hindi ko gawain yun. Naaalala ko lahat. Dati isang laro sa akin ang maaalala lahat ng edad ng mga nakakausap ko online. Ngayon, iilan na lang sila, hindi ko pa maaalala ang mga kaarawan.

5. Kaibigang mahalaga.

Kailangan ko ding isipin ang mga tao sa paligid ko kung mahalaga ba sila o hindi. Nadadagdagan lalo ang mga taong kilala ko, nakakatuwa naman. Yung mga bago, okay lang magstay dahil may panahon pa para kilalanin sila, pero yung mga lumang walang idinudulot sa akin kundi sakit ng ulo. Kalimutan na lang. Ewan ko ba kung bakit ako nagttyaga, mabait ba ako o tanga lang? Buti na lang at iilan lang sila. Unti-unti, alam ko mawawala din sila sa buhay ko.

At dapat hanggat maari, sumusuporta ako at lagi akong present sa buhay ng mga tinuturing kong kaibigan. Kahit anong mangyare, hindi ko sila tatalikuran at iiwanan. Kung may uuwing ofw, sisiguraduhin kong kapag makikipagkita sila, present akong lagi. Walang sablay, walang excuse. At kung hindi ako kayang panindigan at tulungan ng kung sino man sa mga tinuring kong kaibigan ko, pwes, kalimutan na. Sayang oras walang dulot.

Ayun. Dapat hindi ako makakalimot sa mga ito. Mga personal commitments ko para iwasan ang kababawan, walang dulot at walang patutunguhan sa buhay.

Hay, at dahil inaantok na ako, pwede na akong matulog. Sana matuloy ko na ang plano ko bukas at sana matapos ko na yung plano kong gawin sa opisina. Lord, bahala na po kayo. Good nightie.

Monday, July 23, 2012

Single detached


“Attachment is the great fabricator of illusions; reality can be obtained only by someone who is detached. ”
― Simone Weil

Nowadays, with my current schedule, I realized that I am slowly being detached to the people I once thought I could NOT live without.

You see, I have been given different opportunities, to run, to read more books, to play badminton, to become an take the job of my boss for 2 weeks, and to travel due to work. Also, all of my closest friends are sooo far away, my family is in limbo - I don't see them much often, and if we do, we all would quarrel, so it's better not to talk to them.

So with that, I am alone, fending for myself. If I feel bad, there are some people i could talk to, but not those whom I am comfortable with, this is why I write. It's good though, it gave me the feeling of being detached to them. I am detached but of course I would love to see them again, just the thought of them being not here is something I've accepted. And they're no longer part of my weekend routine but, I make sure that if they're here, I will see them. In a way, I am still attached but in my everyday life, I am detached. Seems weird?

Little by little, I am detaching myself to the trivial things. I guess it's easier to live if you don't get attached. Less expectations, less hurt. I just have to classify which is trivial, which is not. I am sooo bad at it.

With this, I feel a bit independent. I don't have to answer to anyone, I can eat alone, I go around the mall, and even watch movies alone, I go places, make my own plans, meet different people, run, make blogs at fastfoods, go aikido, etc. i know one day, I will be oversaturated of this, if it becomes a habit. But heck, i think this is exactly what I need right now. It is to be detached in order for me to know what needs to be retained and what needs to be left astray.

One by one, my reality starts to kick in. Yes, if we attach ourselves we only allow us to be vulnerable. We become weak, but if we detach ourselves we get to prioritize what matters and become independent from all what could hurt us.

Well, this is just my opinion, so far it works for me. I'll let you know if I change my mind.