Tuesday, August 16, 2005

Ang ampon


Di ko alam kung bakit pero bigla n lamang tumira ung asong kulay itim sa bahay nmn... Ni d nga nmn sya kilala, dumating lang sya noong meh asong babae s tabi ng bahay namin tapos sinundan n nya hanggang dito s kalye nmin.... Hindi n sya umuwi s kanila simula nang araw n yon... Parang na-inlove ata ung asong ungas n un at inasawa n ang aso ng kapitbahay... Simula rin nung araw n iyon eh tumira n rin sya s bahay nmn... Grills lang ksi ang gate nmn kya madaling nakakapasok ang aso, mejo sa amin ksi lumaki ung asong babae khit hindi amin un... Kaibigan din nmn iyong meh ari...

Palagi ko syang nasasalubong s may pintuan, eh sa totoo lang may konti akong takot s aso kya natatakot ako s kanya. May isang beses n bigla n lng nyang pinagkakakagat ung shorts ko habang papunta ako s tindahan, kya inabort mission ko na ang pagbili. Nakakaasar nga eh ksi lahat ng dumadaan s tapat ng bahay namin kinakahulan nya tapos kmi ang nasisisi ksi talagang nakakatakot sya mangahol minsan pa nanghahabol sya.... Pero s awa nmn ng Diyos eh ala syang nakagat...

Noong tumira n sya s bahay palagi namin syang ihinahalintulad s tiyuhin ko n bigla n lng nwla s bahay simula nung nagkaroon ng girlfriend n asawa n nya ngaun.. Itong tiyuhin ko na ito, sya ang unang nakaramdam ng awa s asong kulay itim na ito kaya pinakain nya ito at pinaliguan... Kya kahit ala n ung girlfriend ng aso nmn, ung aso ng kapitbahay nmn, eh sa amin p rin sya tumira...

Ung nanay ko, nwalan n ng amor s mga aso, dati kasi meh aso din kmi kso palaging nauubos ang bonus nya kakapan-injection s mga nakagat ng aso nmn kaya kaput! Ayaw n nya ng aso... Isang araw, papunta sya sa isang kumare nya na nkatira sya s likod ng street nmn, sinundan sya ng asong kulay itim tapos huminto ung aso s may kanto. Pagbalik ng nanay ko matapos ang mahabang pakikipag-usap eh andun p rin ung aso... Tpos pagkakita nya s aso sinabihan nya ito "Blackie, tara n uwi n tyo" sinundan nmn sya ng aso...

Blackie ang napangalan nmn s asong ampon, dun n ngsimula ang amor nmn s aso simula nang matanggap n sya ng nanay ko, ksi karaniwang nasa kanya ang huling desisyon s mga bagay-bagay s bahay... Palagi kming sinusundan ng asong ito kht papunta lng ng tindahan, madali nmn syang nasusuway kapag nangangahol s mga tao (pag kmi ung sumusuway ). Tpos nkakatuwang tingnan ung hitsura nya kapag sinasalubong nya kmi pababa mula s sasakyan, ung karaniwang pag-wag ng tail ng aso eh nasasamahan pa ng parang pagsayaw ng mga paa nya s likurang bahagi.... Syempre anjan din ung pagbabantay nya s bahay nmn...

Sa sobrang tuwa nmn s asong ito, eh palaging diskusyon ang health status ni Blackie, una eh ang mga galis s katawan nito.. Una, sulfur soap tapos, pagkatapos paliguan lalagyan ng used oil.... S totoo lng nung pinagtyagaan ng pinsan ko n lagyan ng used oil ang aso eh lumago n nmn ang balahibo nya, kso d n nmn namimintina ang pagligo nya.. kya pabalik-balik to... Sa asong ito k lang nlaman pgnkakaramdam ng sakit ang isang aso eh kumakain pla sila ng damo para gumaling...

Syempre d s lht ng pgkakataon eh puro mssya, marami din nmn syang mga imperfections n kadalasang ngpapainint ng ulo ko... Isang araw nagulat kme nang umaakyat ang aso nmn s meh screen door nmn... Tpos umurong pabalik gamit ang likurang mga paa at pgkatapos ay bumitaw sabay harang s screen tapos sabay bubuksan ang pinto, Aba, mahusay, naka-isip sya ng paraan para makapasok sa loob ng bahay... Noong una kinatutuwa namin yon, ksi biro mo nga naman bakit nya biglang naisip na ganoon buksan ung pinto di ba?? Pero, kagaya nga ng nabanggit ko, kung binabasa nyo nga ito ng maigi, ang aso ay galisin, kaya di sya pwede....


Napansin na ni papa noon pa na medyo may katandaan na si Blackie buhat nang dumating ito at tumira sa aming bahay. Hindi ko ito unang napansin, pero nung nagtanong-tanong ako sa mga kaibigan ko naisip kong totoo nga... Nagsimula nang magpakita ng senyas ng katandaan ito nang napansin kong lalong lumulukot ang mukha nito at parang di na nya kami sobrang nakikita... Kailangan mo pa syang tawagin para malaman nya kung sino ka. Tpos, nagsimula syang magkaroon ng parang mga bukol-bukol sa katawan tapos liliit pero may kasamang sugat na kasing laki ng piso na hindi gumagaling. Sinubukan ko itong linisin pero parang walang bisa ksi lalong nabubulok ung mga sugat... Tapos un na bigla n lng din syang pumayat, nawalan ng gana kumain tapos un nadedo noong madaling araw ng Sept 14 2005....

Medyo buwan na rin ang nakalipas nang simulan ko itong akdang ito, sa totoo lng makalipas ata ng isang linggo nang simulan ko ang paggawa nito ay sumakabilang buhay na ang aming ampon.. Minsan talaga may mga bagay na dumadating na di mo naman inaasahan at magbibigay pala ng isang matinding pilat sa buhay mo, tulad na lang ni Blackie... grabe namimiss ko na talaga sya ngaun....wawa.....

No comments: