Friday, July 15, 2011

Lakad ng lakad

Nung college, naalala ko, ako ang binansagang Sto ninong gala at taong lahat malapit basta lakaran. Basta may oportunidad maglakad, naglalakad ako. Sa Maynila kasi laging traffic, syempre bilang batang buzzer beater sinasakto ko lang lagi ang oras papasok ng eskwelahan. Ayun, pagnagtraffic lang ng konti, makikita mo na akong tumatakbo sa Espana. At pag traffic din naman pabalik, ganun din, lakad.
Kapag masama din ang loob ko, naglalakad din ako. Parang kasing nakakawala sya ng sama ng loob sa bawat hakbang. Dati nga umiyak pa ako habang naglalakad, malabas ko lang lahat. Lahat ng ito nagagawa ko noon.

Kinain na siguro ng katamaran ko kaya kinalimutan ko na ang paglalakad. Kung pwedeng i-jeep, ijjeep ko na lang. Katamaran talaga, ayan gigantic patas ang inabot ko. Ngayong nandito ako sa Makati para sa isang project, parang nanumbalik ang pagiging sto ninong gala ko. Eto lang kasi yung lugar na hindi ko pa nakakabisa, para akong batang nasa ibang lugar kapag nandito. Kaya eto.


Isang malaking hamon sa akin ang pangangabisa ng mga lugar. Hindi sa ayaw kong mawala, pero parang bala mo kasi kung kabisado mo yung lugar. Kapag gusto mong pumunta sa isang lugar, makakatipid sa oras, di mo na kailangsn magtanong, di mo na kailangang maghanap. Tapos kung may humahabol sa iyo, alam mo kung san tatakbo at magtatago(bakit may ganyan? Hahaha.)

Kaya sa paglalakad may nadagdagan na naman akong kaalaman. Yun ang mahalaga dun, karagdagang benepisyo na lang ung pinawisan ako at pumayat. Gumagaan din ang pakiramdam ko at tila nanunumbalik ang lakas ng loob ko. Lakad ng loob para sa lahat ng bagay, kasi may alam na akong bagong lugar ~ salamat sa paglalakad.

No comments: