Monday, July 04, 2011

Introvert

Kapag sinasabi ko kina Jeddah na isa akong introvert, di sila naniniwala. Napakadaldal ko kasi at sa school, halos friends ko lahat ng mga tao. Either sya o ako ang mali ng pagkakaintindi sa salitang "INTROVERT".

Ayon kay About.com ang definition ng INTROVERT ay:


Definition: Contrary to what most people think, an introvert is not simply a person who is shy. In fact, being shy has little to do with being an introvert! Shyness has an element of apprehension, nervousness and anxiety, and while an introvert may also be shy, introversion itself is not shyness. Basically, an introvert is a person who is energized by being alone and whose energy is drained by being around other people.


Dagdag pa nya:

Introverts are more concerned with the inner world of the mind. They enjoy thinking, exploring their thoughts and feelings. They often avoid social situations because being around people drains their energy. This is true even if they have good social skills.After being with people for any length of time, such as at a party, they need time alone to "recharge."

Tama ako, ako ay isang Introvert. Napagtanto ko ito dati pa, lalo na yung they often avoid social situation because being around people drains their energy. Hindi ko rin ito maintindihan dati, bigla na lang akong totopakin, tapos mang-iindian na ako sa lakad. Gaya na lang nung isang linggo na pinagpasalamat kong hindi tuloy. Nandoon na naman ako sa mood na walang ganang makipaghalubilo eh. Buti na-cancel. Minsan talaga iyan ang topak ko, hindi ko alam kung aware ang friends ko dito, pero tingin ko yung mga ka-ofcmates ko aware na sila. Sa tingin ko, swerte din ako, nasa paligid ako ng mga understanding na tao. Kahit di nila ito mabasa, gusto ko silang pasalamatan. Eto ang bagay na hindi ko mapapalitan kahit kailanman, parang may mawawala sa akin kung hindi ako magpapaka-introvert.

Perks ng pagiging introvert? Wala. Tingin ko either parte ito ng personalidad mo o hindi. May mga definition din naman si introvert na hindi akma sa akin, gaya ng pag-iisip bago magsalita. Hindi talaga ako magaling sa part na yan. Gaya ng sinabi ko noon, ako ay isang reactive na tao. Pero mas gusto ko na hindi ko pagsisihan ang mga sinasabi ko, kung hindi matagalang pag-iisip yan. Sa tingin ko, kaya mas gusto ko rin yung mga pangintrovert na hobbies - internet surfing, photography, walking, etc kasi mas na-eenergize ako dun kesa sa mga pakikipagkita.

Though nakikipagkita ako sa mga tao, ngayon na ata ang edad na kailangang sumubok ng mga bagong bagay. Hindi na ako bumabata, at kailangan nang gawin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa noon pa. Except sa magkabf, yan ata ang hindi ko hahanapin. Mas gusto ko na siya ang maghanap sa akin, makaluma pero mas exciting. Naniniwala pa rin ako dito. *LOSER*

May mga araw din na parang gusto kang baguhin ng panahon sa pagiging introvert mo - kasi mas kailangang maging mas extrovert ka. Lalo na sa trabaho. Lagi kong iniisip kung dapat ko nga bang isakripisyo ang bagay na iyon, kailangan bang ako talaga yung magbago? May masasaktan ba ako kung maging ako lang ako? Mahirap makibagay talaga sa mundong ibabaw... Hayy..

No comments: