Dahil sinabi ko kay jeddah kanina tungkol sa dalawang blogsites ko, naalala ko na ang dami ko na palang account.
ACCOUNTS.
1. BLOGSPOT:
Dito sa blogspot, parang may apat ako, pero dalawa lang ang pinapakita ko. Yung isa pang sama ng loob, basta kahit na anong pangtopak ko lang na di ko rin naman inuupdate. Ngayon lang halos. Yung isa naman, dapat, pangtravel, kaso napansin ko hindi pala ako magaling mag-narrate. Kaya ayun kaboom isang malaking flop. Pinabulok ko na lang. Yung isa naman, tula, kaya di ko pinapakita, kasi ang corny. hahaha.. lahat ng kacheesyhan ko andun. Nagulat ako isa sa mga kaibigan ko nahanap nya! Binura ko na sa profile para di kita. Yung isa pang photography ek ek, syempre andun lahat ng masterpiece ko, kaso di ko na naman inuupdate, kaya sinusubukan kong lagyan ng laman kada linggo. Syempre yung huli, eto na. Ang pinakamatagal kong blogsite everrr.. Lahat ng ideya ko, mga opinion sa buhay, maikling kwento, mga angst ko, NOON, andito mababasa. Binabasa ko paminsan-minsan para naman maalala ko yung mga kalokohan ko noon. At natatawa pa rin ako.
2. FACEBOOK
Syempre isa lang ito, para sa lahat ng mga kamag-anak, kaklase, chuchu. Nakakatamad na nga lang kasi parang ang dami ko palang friends. Hahaha.. Sino yung ibaaa? Choz. Kilala ko most sa kanila (most is mga 94%), pero of course hindi kami close friends. Nagulat ako, di ko akalaing ganoon na kalaki yung circle of acquiantances at network ko.
3. TWITTER
Dahil marami na akong kaibigan sa FB or Facebook, lahat ng shoutouts ko, dun ko na nilipat, kasi naman nakakahiya namang makita ng mga bossing yung mga shout outs ko na "Gusto ko nang umuweeee" achuchuchu di ba? hahaha... wala rin naman akong gaanong followers dun kaya ayan shoutout to the maximum level ako.
4. WORDPRESS
Dahil sa recommendation ni Jep, nitry kong gamitin to para sana sa photography site ko. Gusto ko kasi sanang ayusin yung site mismo, gamitan ng themes at kung anong anikanik. Kaso mahirap pala syang intindihin. Kaya pinabulok ko na lang muna. Saka ko na aalamin.
5. FRIENDSTER
Patay na daw ang website na ito. Tinignan ko ngayon, okay pa rin naman. Parang fb din nito noon, kaso mas masaya talaga ang FB kaya jump ship na ako.
6. MULTIPLY
Lahat na ata ng pictures ko simula pa nuong nagstart akong magphotography ay nandito. Gusto ko talaga itong i-maintain, kaso naman ang pangit ng ngalan ng site. Abimisery. Ginawa ko lang siya kasi depressed ako, eh medyo OC ako gusto ko nasa iisang email address lang lahat ng social sites. Kaya ayun, pinanindigan. Ang hirap nang gamitin ng multiply ngayon, di katulad dati na pupwede mong i-connect sa facebook. Kaya ayan. Bihira na lang din makapagpost.
Obviously, mahilig ako sa internet talaga. Hindi lang ito ata yung mga social sites/blogs na meron ako. Pero ang maganda nito, pwede na tayong marinig kahit nasa iisang sulok ka lang ng bahay ninyo, basta may internet at computer kang kasama. Ang saya rin ng pakiramdam na ganoon. Masaya din pala ito, kasi feeling ko may lugar ako sa internet na para sa akin lang. :) Gaya ng mga nabanggit.
No comments:
Post a Comment