Monday, April 02, 2012

Anesthesia

Minsan hindi ko alam kung nagmamanhid na ba lahat ng sakit o gumagaling na.

Sa aking wari'y inineksyunan ako ng anestesya ng tadhana upang makayanan ang sakit

At pagkatapos ng lahat ako'y makakalimot, pero ang sugat ay mag-iiwan ng peklat

Sa bawat tingin ko dito ay tila may kirot, ngunit hindi na ito kasing sakit ng dati.

Hindi na katulad ng dati.

No comments: