Thursday, August 04, 2011
I never finish anyth
Ang dami kong nakapilang blog posts. AT ayaw kong suotin tong damit na ito, alam ko matatapos din ako! Arrggh. Bakit ang dami kong naiisip isulat di naman ako writer? Sabagay, naisip ko kanina, mas dapat akong magsulat kasi nga hindi nga ako writer at hindi ako magaling mag-ingles. Kaya dapat mag-ingles ako at magsulat para mas makapagpractice. Ewan ang gulo ko. @_@
Pero, di ako magsisimula ngayon, magtatagalog ako. Sinasabi ko lang yung nasa isip ko. Natatawa na kasi ako ang dami kong draft posts. Pero ni isa wala akong natatapos. Hindi ko nabubuo ang mga thoughts ko ngayon. Nakakamiss din magsulat naman eh. Kanina, tinatapos ko yung isang blog, pero nagdalawang isip akong ipost, kasi parang hindi buo yung kwento. Magandang practice pala ito sa paggawa din ng mga presentations. Kasi mahina ako sa paggawa ng kwento. Sana may training ako ulit sa paggawa ng presentation. Aayusin ko na sa susunod.
Sobrang dami kong naiisip ngayong gawin. Hindi ko natatapos, hindi ko napupuntahan at hindi ko nagagawa. Dapat talaga ayusin ko na muna lahat.... Or ako lang siguro ang napapraning. May natatapos naman talaga ako, hindi ko lang ramdam na tapos na. (Ay binawi pa!) Pero ang kagandahan ngayon, parang narealize ko na marami pala akong oras. Kaso, dahil alam kong marami akong oras, marami na rin akong gustong ibang gawin. Hindi maganda.
Basta tatapusin ko lahat. Tapos na ako sa pictures ni Eden, pictures na lang ni Chin na sana matapos ko bago magLunes. Yung plano ng bahay, paguusapan na namin ni Ron sa Sunday. Nakapagpacheck up na ako last Sat, at babalik ako ngayong Sat para sa resulta ng ultrasound, so sana maging okay na yun. Sana makapunta ako ng lab sa Sat para tapusin ang mga trabaho dun. So, trabaho na lang yung parang may posibilidad na hindi matapos. (haha. At kelan ba natatapos yan?) Parang mali ang pagpaplano ko ah, dalawang araw lang ang weekend di ba?
Adik. Matutulog na nga ako. Naka-coffee pala ako kanina. Grr... Good nightie.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment